Samstag, 10. Januar 2009

gonna knock on your door but there's nobody home


gonna knock on your door but there's nobody home ay isang talata ng kanta galing sa manunugtog na elektrikoolaid.

matagal ko ng kilala ang manunugtog na ito. taong 1998 ng marinig ko sa paborito kong istasyon ng radyo sa pilipinas ang NU107 ang awit na "black to grey". ni hindi ko man lang nasilayan ang mga manunugtog, ni litrato nila hindi ko man lang nakita, saglit lang pinatugtog sa airwaves ang kanta, subalit tumanim sa aking isipan ang himig.

sa hinaba haba ng panahon, nakalimutan ko na. hanggang sa makilala ko si isabel. pero mas masaya siya kapag betlog ang tawag sa kanya, wala naman siyang itlog, oo, monay mayroon siya. sabihin na natin na napakaswerte ko na maging kaibigan ang isang katulad ni isabel, dahil siya ay nagta trabaho dati sa istayon ng NU. at hindi ko lubos maisip na padalhan niya
ako ng munting regalo ngayong pasko, autographed pictures ng walang ng iba, kundi ng electikoolaid at ng mang-aawit mismo na si anabel bosch.

ngiting aso ako ng araw na iyon. hindi lang yun, kundi mp3 mismo ng black to grey. ito ay napakahirap hanapin kaya abot hanggang langit ang pasasalamat ko kay isabel.

at hindi lamang iyon, sinabi pa sa akin ni isabel na tuwang tuwa si anabel, dahil kahit napakalayo ng pinangalingan ko, at sa tagal ng panahon ay may nakaalala pa sa kanila. isa lamang ang naramdaman ko, pagmamalaki.

sa kasamaang palad, isang sakuna ang nangyari. sa hindi natin inaasahang pangyayari, si anabel bosch ay sumakabilang buhay. ako ay nalungkot, dahil kung kailan ko natagpuan at muling nanamnam ang electrikoolaid at ang awit na black to grey, ay isang trahedya naman ang kapalit.

nararamdaman ko ang nararadaman ng mga kapamilya, kaanak at mga kabigan ni anabel, dahil ang aking ina ay sumakabilang buhay din sa di inaasahang pangyayari, masakit mawalan ng mahal sa buhay, lalo na ang isang ina, na siyang nagbigay buhay sa atin, iniluwal tayo para makita natin ang kagandahan na nakapalibot sa sanlibutan. mahirap isalarawan, masakit.

subalit naisip ko, dapat na bang magtapos lahat sa pagsasakabilang buhay? dapat na bang tuldukan ang kabanata ng aking buhay?


gusto ko bang malungkot, magmuni muni at sisihin ang aking sarili sa mga pangyayari na wala naman akong magawa?

ah, ang buhay ay napakasarap. hindi ko pala dapat itigil ang pag-ugong ng gulong ng buhay sa nangyaring ito sa akin. bibigyan ko ng tuldok, ngunit hindi habang buhay. tuldok para lang sa kabanatang ito. dahil ang takipsilim ay isa lamang pambungad ng bukang liwayway.

gusto kong ihalintulad ang pamagat na black to grey sa pagsasakabilang buhay. sa pamagat, nagbago ang kulay, ngunit ito ay kulay pa rin. tulad ng ating buhay, na kapag dumating sa hangganan, nagbabago lamang tayo ng pisikal na kaanyuan ngunit nandito pa rin tayo at gumagabay sa mga taong nabubuhay.

mabuhay ka anabel bosch dahil isa kang inspirasyon at kung saan ka man naroon, panatag ang kalooban mo, dahil maraming tao ang nagmamahal sa iyo.

2 Kommentare:

  1. Tangina ka talaga, anong monay?!?! Hahahhahahh! Pero salamat sa tribute mo dito kay Bel, I'm sure mas lalong matutuwa yun sa iyo. Sayang lang, hindi na kita napakilala sa kanya nung nandito ka :(

    AntwortenLöschen
  2. oo naman ate! monay! eh alangan namang ensaymada sabihin ko, matamis ba yan?! hahha

    hayaan mo na, some things are not meant to be and it will stay that way.

    salamat salamat salamat sa mga memoirs ni anabel!

    AntwortenLöschen