Freitag, 16. Januar 2009
ang hiwaga ng acantilados en la serra da capelada at ang rosas ng espanya.
taong 2008, napakaraming naganap, kung ako ay magbibiro, isa lang masasabi ko "hindi ko kaya ito!"
hindi ko rin alam kung pano ko uumpisan, napakaraming pagninilay-nilay sa aking isipan, tagpi-tagpi ang mga pangyayari, kung ihahambing ko sa isang sitwasyon, para siyang mga ulap sa langit, iba-iba ang anyo, iba-iba ang itsura, walang hubog, sumusunod lamang sa ihip ng hangin.
uumpisahan ko na lang nung ako ay maging kasapi ng isang travel website sa internet, ang www.travbuddy.com matagal na akong kasapi dito, taong 2007 pa lang, ngunit taong 2008 ng ako ay sumama sa mga pamosong meet-ups, ito ay pagtitipon ng ibat-ibang kasapi ng travbuddy mula sa ibat-ibang kontinente sa mundo: asya, yuropa, hilagang amerika, timog amerika, awstralya at aprika.
narating ko ang amsterdam, madrid at heidelberg para lamang sa mga pagtitipon, 2 beses din akong nag-organisa ng meet up sa düsseldorf, hindi kumulang sa labinlimang katao at umabot hanggang limampung pitong tao ang bawat pagtitipon.
napakadami kong nakilalang mga kasapi, at higit sa lahat naging mga tunay na kaibigan, na sa aking gipit na pangangailangan ay naruon sila. hindi in-cash ang pinaguusapan dito, kundi ang in-kind.
subalit ang nakakagulat na pangyayari ay ang pag-organisa ko ng pinakamalaking roadtripping na nangyari sa kasaysayan ng travbuddy. anim kaming mga estranghero sa isat-isa. ako na taga pilipinas, si ben na taga israyel, si alexander na taga awstralya, si rubina na taga gran britanya, si lori na taga kanada at si hannah na taga awstralya din. lahat ng mga kasama ko ay mga bata pa, sampung taon ang agwat ko sa kanila, ngunit, hindi sagabal ang edad sa isang bagay na lahat ay may pare-parehong hangad.
ito ay isang roadtrip na tatagal ng sampung araw, sa peninsula ng iberya, mga bansang espanya at portugal, uumpisahan sa madrid papuntang timog sa probinsiya ng andalucia, mga siyudad ng sevilla, malaga at almeria at sa konteksto ng ingles, ay camping sa nag-iisang disyerto sa yuropa, sa peninsula ng cabo de gata, ang desierto de tabernas. pagkatapos nito, ay tutungo naman kami sa timog portugal, sa siyudad ng faro, lagoa at lagos, kung saan ang pamosong rehiyon sa yuropa, ang algarve nakatuon. napaka ambisyosong proyekto, dalawang pamosong dagat ang aming mananamnam, ang atlantiko at ang mediteraneyo.
sa sawikaing ingles, everything was set. ngunit isa na namang di inaasahang pangyayari, nakilala ko ang isang tao, si pablo, na siya pala ang magbibigay linaw sa mga katanungan ko sa buhay. mga sagot sa aking pagmumuni-muni, mga pagninilay at higit sa lahat, marating ang aking pinagmulang ugat. napakalalim ng pagtingin ko sa bansang espanya. hindi ko ito maipaliwanag. mga pira-pirasong pagnanasa.
naghandog si pablo sa akin ng munting regalo, na kung maari, ibahin namin ang aming ruta, imbes na papuntang timog espanya, papunta kami ng hilaga. inimbitahan niya kaming tumira sa kanilang bahay, at tumira sa kanilang munting kubo, walang kuryente, napapaligiran ng hardin at isang maliit na fireplace na nasa itaas ng burol na tanaw ang mapusok na karagatang atlantiko. putang ina, hindi na ako nagdalawang isip. at ako ay pumayag. hindi rin nagdalawang isip ang aking mga kasamahan, kumbaga sa expression, game na game ang mga tungaw.
ang lugar ni pablo, ay isang maliit na bayan sa pinakahilaga ng espanya, ang maliit na bayang palaisdaan ng cedeira, sa probinsya ng galicia, sinasabing ang galicia, ay isang mitikong lugar na punung puno ng kababalaghan at mga alamat. lugar ng mga seltiko (celtics) at mga druwido (druids) at ang salita dito ay hindi espanyol, kundi, gallego na mas malapit sa salitang celtic kesa sa mismong espanyol.
nakilala ko rin ang mga magulang ni pablo, na sina senyora lucia at senyor manolo. si senyora lucia, ay kapareho ng aking ina, matigas, matapang, laging nasusunod sa bahay, ngunit higit sa lahat, maasikaso at ibibigay ang lahat ng natitirang lakas para lamang magsilbi. hindi marunong magsalita ng espanyol ang ama ni pablo, salitang gallego lamang, ngunit tuwing agahan, kaming dalawa ng kanyang ina ang laging nag-uusap, sa magkahalong aleman at espanyol, dahil si senyora lucia ay tumakas sa espanya nung ikalawang digmaan at tumira sa hollanda. sinabi sa akin ni pablo na tuwang tuwa sa akin ang kanyang ina at para akong anak na niya, pinagsisilbihan niya ko tuwing umaga ng agahan, pinapainom ng gatas at kulang na lang ako ay kanyang subuan at nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagmamahal ng isang ina , ako rin, sa napakadaling panahon, itinuring ko ng pangalawang tahanan ang bahay ng grandal-caneiro at pangalawang ina si senyora lucia. nakakatuwa at nakakamangha. at hinding hindi ko ring syempre makakalimutan ang prinsesa ng pamamahay ng grandal-caneiro, ang el gato, ang mahiyaing pusa na si lola.
ako at aking mga kasamahan ay sinorpresa ni pablo at ni senyor manolo, dinala nila kami sa isang lugar, na putang ina, PUTANG INA. ito na ang pinaka-rurok ng aking paglalakbay sa yuropa o kaya'y sasabihin ko sa mga darating ko na paglalakbay sa buong mundo.
ngiting aso si pablo ng ipinakita niya sa amin, o mas ukol sa akin ang acantilados en la serra de capelada, o ang mga bangin sa bulubundukin ng capelada. ito ang mga bangin na napakataas sa kontinente ng yuropa, umaabot ito ng mahigit sa 700 metro. hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman, sa buong espanya, napakainit dahil tag-tuyot na at tag-araw, ngunit dito, ang mga ulap, ang langit ay laging nakapabagsik, mapusok, ang karagatang atlantiko ay tila laging may galit. ang mga alon na humahampas sa bangin ay tila mga ungol ng mga taong nagpakamatay dahil sa pag-ibig na nilamon ng dagat.
ang aking mga kasamahan ay kuha ng kuha ng mga litrato, samantalang ako, ako ay napapikit, at ninamnam ko ang mga sandaling iyon, dahil dito, dito mismo, sa tuktok ng pinakamataas na bangin, ang garita de herbeira, nagmula ang ugat ng aking ina. napakalawak ng tanawin, dahil wala ng mga nakapalibot na isla, tuloy tuloy na ang tanawin sa susunod na lupain, ang hilagang amerika. naisip ko, sa mga sandaling iyon, tayo'y mga tao lamang, na likha ng isang napakatinding kapangyarihan. isa lamang tayong munting butil ng buhangin na gumagalaw sa sangkalawakan.
ng ako ay nahimasmasan sa aking naramdaman, gumala ang tingin ko, ang mga bangin din ay nagsisilbing pagpapaanak at pagpapalaki ng mga kabayo, napakaraming mga ligaw na kabayo sa bangin. at ibang iba ang kapaligiran sa kinamulatan kong espanya ayon sa mga aklat geograpiko, mga litrato at sa mga aklat tulad ng don quixote de la mancha, isama na rin sa mga napapanood sa telebisyon na bullfighting.
ito rin ang sambahan ng mga druwido at seltiko sa mga alamat. at ang hindi kilala na pilgrimage ng mga peregrino, dahil nauungusan ito ng santiago de compostela, ay ang pilgrimage kay san andres de teixido, sinasabing, kung hindi mo man mabisita ang dambana ni san andres de teixido habang ikaw ay nabubuhay, sa iyong pagkamatay o sa iyong susunod na buhay mo siya mabibisita, kaya ang mga nakatira dito ay may respeto sa mga hayop, dahil ito ang mga kaluluwa ng mga pumanaw at handa ng bisitahin ang dambana ni san andres.
habang isinusulat ko ito, ako ay nalulungkot, sapagkat, hindi man lamang nakita ng aking ina ang mga litrato, narinig ang aking mga kwento, nasabi ang lahat lahat lahat ng aking nasa puso, sapagkat ang aking ina ay pumanaw na.
ngunit sa pagbabalik tanaw ko, napakatingkad pa rin ng aking mga alala, ang hiwaga ay hindi ang pangtungtong ko sa bangin, ang paglasap ko ng napakalakas na hangin, ang pagdinig ko nga mga panaghoy ng alon, ang pagbubukas ng aking isipan at puso dahil nakaramdam ako ng pagmamamahal sa kalungkutan, kundi, ang mga alala-ala ko kay senyora lucia, ang munting rosas ng bayan ng cedeira, hindi ang mga glamoroso at bonggang mga party o pagtitipon sa madrid ko naranasan ang tunay na espanya kundi sa isang ina na walang pagod sa pagsisilbi sa kanyang anak at mga inampon, si senyora lucia, ang espanya. isang mapagmahal na ina. habang iniisip ko naman si senyora lucia, ang lahat ng ito pala ay walang silbi. dahil habang pinagtagpi-tagpi ko ang lahat ng pangyayari, ako pala ay babalik at babalik din sa pagmamahal at sa braso ng aking ina.
Labels:
death,
espanya,
europa,
europe,
paglalakbay,
pagmumuni-muni,
pagninilay-nilay,
pagsasakabilang buhay,
spain,
yuropa
Abonnieren
Kommentare zum Post (Atom)
Napakaganda ng pagkakasulat. Pero ang mas malupet, ang kyut niyo ng poodle mo.
AntwortenLöschenputakti ang bilis mo ah! hahaha nagbabayad ka ba ng subscription fee?! hahahaha monthly ba kinuha mo?
AntwortenLöschenGaga, yearly ang subscription na kinuha ko.
AntwortenLöschenhahaha bonggang bongga ka ate! siguraduhin mo lang na magbabayad, kung hindi puputulin yang subscription fee mo, no extension daw kontrata eh. hahaha
AntwortenLöschenay bakit puro german ang nakalagay dito?
AntwortenLöschen"Kommentar veröffentlichen"
anong sasagot ko dyan? slaysen houten?
hahahahahahahah hahahaha sorry nakalimutan ko baguhin ang settings! tamad ako!
AntwortenLöscheno ayan!!! may pambili ka na ng boy bawang! my 15 pesos ka na! ahaha
well...nakakatawa at nakakaantig sya...sobra :)
AntwortenLöschenthank you ^_^
AntwortenLöschenHoy larry palitan mo na settings mo pwede? kasi, schwimmfest unter irhum sitz chokra...diba?
AntwortenLöschennga pala, sinagot ko na yung meme sa blog ko. ikaw naman dito.
AntwortenLöschenhahahahhaa oo na!!!! natawa ako sa chokra! hahaha
AntwortenLöschen