Freitag, 2. Januar 2009

pambungad.

sabihin na natin na "baduy" o hindi na uso ang pagsusulat sa wikang tagalog, ngunit sa makabagong panahon, pag-unlad, agham at sa ating pausod na buhay, nakakalimutan natin kung saan talaga ang ating ugat.

nagsusulat ako sa isang "travel blog" na naglalarawan ng aking mga lakbay at mga pakikipagsapalaran sa bansang pilipinas at yuropa ngunit sa wikang ingles na may pasaring na aleman at espanyol. nakakaaliw sa umpisa, pero tulad ng sinabi ko sa aking unang talata, ako ay "nakalimot".

may mga pangyayari sa aking buhay na hindi ko mailarawan sa mga wikang banyaga. kaya sususubukan kong isulat ito, sa wikang aking kinalakihan, natutunan at higit sa lahat wika ng aking lahi. dahil sa taong 2008, napakaraming pagbabago ang naganap. mas mabuting masabi at maisulat ko ang aking mga pagninilay-nilay at pagmumuni-muni. hindi naman mahalaga sa akin kung may magbasa nito o wala, ang kabuluhan ng aking talaan ay maisulat ko ang lahat lahat ng saloobin sa aking puso.

nakakatuwa, dahil ang pamagat ng aking talaan ay sa wikang ingles at ang mga dutong sa wikang aleman, minsan ay hindi ko rin maiiwasan kung isulat ko sa pamamaraang ingles, taglish o minsan sa aleman dahil gusto ko ring isulat ang mga tinatangi kong manunugtog sa yuropa. hindi ko sinasabi na ako ay isang sakdal o perpektong tao, lahat naman tayo ay may mapagkunwaring anino. na pinamagatan sa isang pelikula, "sapagkat tayo'y mga tao lamang".

kaya mga iho at mga iha, isama na rin ang mga iho na iha at mga iha na iho, ayon sa kenkoy komiks na hindi ko man lang inabutan: ABANGAN!




ps. tang ina mo isabetlog, ayan binago ko na settings hindi na yan aleman, ugok! hahaha tawa tawa tawa!

Keine Kommentare:

Kommentar veröffentlichen